DENR Usec. Benny Antiporda, nahalal bilang governor ng Lions Club International

Inaasahang mas lalakas pa ang ugnayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Lions Clubs International (LCI) sa pangangalaga at tamang paggamit ng kalikasan at likas na yaman ng bansa.

Kasunod ito ng pagkakahalal kay DENR Undersecretary Benny Antiporda bilang Governor ng District 301-A2 na itinuturing na “largest civilian service organization” sa pamamagitan ng isang online election.

Ayon pa kay Antiporda, bilang Lions Club Governor, magiging coordinator siya ng LCI.


Dahil dito, mas palalakasin ng DENR at LCI ang paglulunsad ng coastal at river cleanups, tree planting activities at solid waste management projects.

Ang District 301-A2 ay binubuo ng 84 Lions Clubs na mayroong 3,000 miyembro sa walong rehiyon ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Antiporda na bibigyan din niya ng prayoridad ang pagkakaroon ng environmental lectures sa mga paaralan upang magkaroon ng partisipasyon ang mga kabataan sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

Facebook Comments