Sultan Kudarat – Wala pa ring gabay ang mga otoridad at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa motibo ng pagpatay sa isang forest enforcer sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Ipinadala na ni Environment Secretary Frank Cimatu si DENR Assistant Secretary Jim Sampulna para makipag-ugnayan sa pamilya ng napatay na si Kandatu Bansil, ang pinuno ng Forest Law Enforcement Unit ng Community Environment and Natural Resources Office sa Tacurong, Sultan Kudarat.
Batay sa report ng pulisya, binaril ng isang hindi pa nakikilalang gunman ang 51-anyos na si Bansil noong February 21, sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Naniniwala naman si DENR Regional Executive Director Nilo Tamoria na may kaugnayan sa kaniyang paggampan ng tungkulin ang dahilan ng pagpaslang kay Bansil lalo pa at ang lugar kung saan ito naitalaga ay may operasyon ng illegal logging.