DENR workers, nagpahayag ng suporta para sa nakatakdang pagharap ni Cimatu sa CA

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta ang mga career executives at rank and file employees ng Department of Environment and Natural Resources para sa ganap na pagkakatalaga ni Secretary Roy Cimatu.

Nagpaikot ng magkakahiwalay na resolusyon ang mga opisyal at myembro ng DENR-Association of Career Executives (ACE) at Kalipunan ng mga Kawani sa Kagawaran ng Kalikasan (K4) para suportahan si Cimatu na haharap sa makapangyarihang Commission on Appointment bukas.

Maging ang Human resource practitioners’ ng kagawaran ay naglabas din ng manifesto para kay Cimatu.


Aminado ni Cimatu na mahirap talaga ang lumusot sa CA.

Gayunman nagpapasalamat sya sa mga empleyado ng DENR dahil sa unanimous support na kanyang nakuha.

Facebook Comments