Pinabulaanan ni Department of Environment and Natural Resources Usec. Benny Antiporda na iniipit nito ang paglalabas ng ECC o Environmental Compliance Certificate ng itatayong Kaliwa Dam sa Quezon Province.
Ayon kay Antiporda , dalawang ulit nang nagsumite ng mga hinihinging requirements ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System pero nitong January 2019,
Kulang kulang pa rin ang mga dokumento.
Tinukoy ni Antiporda ang FPIC o Free, Prior, and Informed Consent mula sa mga katutubo at ang mismong endorsement ng lokal na pamahalaan at iba pa.
Una nang inihayag ni Finance Sec. Carlos Dominguez na hindi sana mararanasan ng Metro Manila ang kakulangan sa tubig kung naitayo na ang Kaliwa Dam.
Facebook Comments