Aarangkada na ngayong araw ang Dental mission at Symposium project na bahagi ng ‘Ligtas Eskwela 2023,’ ng RMN Foundation para sa mga estudyante ng Emiliano Tria Tirona MNIHS – Memorial Integrated High School sa Kawit, Cavite.
Ang nasabing aktibidad ay kasunod pa rin ng selebrasyon ng World and National Children’s Month.
Ang Ligtas-Eskwela 2023 ay isa sa mga proyekto ng RMN Foundation kasama ng Radyo Sustansaya Program na naka-focus sa kalusugan o nutrisyon ng bawat indibidwal.
Kasama rin sa mga tumulong sa proyektong ito ang Inner Wheel Club of Las Piñas Shining Diamonds, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), RMN Networks, PharmaTree Inc, at Davies Paints Philippines.
Facebook Comments