Philippine Embassy, iginiit na wala ng Pinoy na inaasahang tatawid sa Gaza-Egypt border

Wala ng Pinoy ang inaasahang tatawid sa Gaza-Egypt border dahil sa patuloy pa rin na labanan ng Israel at Hamas Militants.

Ayon sa Philippine Embassy sa Egypt, malayo na ang mga kinaroroonan ng Pinoy at ang mga natitirang mga Pilipino sa Gaza Strip ay nasa ligtas na lugar.

Dagdag pa ng embahada na ang ilang mga Pilipino ay hindi na umalis pa sa Gaza dahil na rin sa kahilingan ng kanilang mga asawang Palestino.


Sa pinakahuling datos, dumating na 14 na mga Pinoy na kinabibilangan ng apat na bata at sanggol na siya ring pangatlong batch na mga dumating sa bansa.

Samantala, inaasahan naman na bukas ay darating naman ang ika-8 batch ng Pinoy repatriates ang babalik na rin sa bansa.

Facebook Comments