Dentista, medical technologist, maaaring gawing taga-turok ng COVID-19 vaccine

28

Isinulong ni Senator Nancy Binay na isama na rin ang mga rehistradong dentista at medical technologist para tumulong sa pagtuturok ng COVID-19 vaccine.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 2212 na inihain ni Binay na nag-aamyenda sa COVID-19 Vaccination Act of 2021 o ang Republic Act 11525.


Itinatakda ng batas na mga pharmacist at midwife lamang ang pinapayagan na makatulong sa mga doktor at nurse sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Giit ni Binay, kailangang madagdagan ngayon ang healthcare professionals na tagabakuna para mapabilis ang vaccine rollout sa buong bansa at magamit agad ang mga COVID-19 vaccine bago mag-expire.

Facebook Comments