Pinuri ni South Korean President Moon Jae-in ang ginawang pagbisita ni North Korean leader Kim Jong-un sa teritoryo ng SoKor.
Ayon kay Moon, maituturing na “courageous and bold” ang desisyon ni Kim na tumawid sa demilitarized zone para sa makasaysayan nilang pag-uusap.
Pero mas marami pa aniya ang mangyayaring maganda kung papasyal si Kim sa Blue House na siyang executive office at official residence ng South Korean Head of State.
Handa naman daw si Kim na magtungo sa Seoul basta at iimbitahan siya ni Moon.
Samantala, sa unang bahagi pa lang ng intra-Korean summit, natalaka na agad ang tungkol sa denuclearization.
Bumubuo rin ng joint statement ang dalawang lider na nakatakda nilang i-anunsyo nang sabay.
Matapos ang pulong, magsasalu-salo sina Moon, Kim, at misis ni Kim na si Ri Sol-ju sa isang hapunan.