Denver Nuggets, naipilit sa game 6 ang serye kontra Los Angeles Clippers

42
Photo Courtesy: SB Nation

Naitulak ng Denver Nuggets ang serye matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa game 5 ng NBA Western Conference semifinals sa score na 111-105.

Nagtala ng 26 points si Jamal Murray habang may double-double performance naman si Nikola Jokic na nakagawa ng 22 points at 14 rebounds.

Hindi naman umubra ang 62 combined points nina Kawhi Leonard at Paul George para tuluyan manalo sa Denver.

Gagagapin ang game 6 ng Nuggets at Clippers sa Lunes, Setyembre 14, 2020.

Facebook Comments