Kakai Bautista, gumaling na sa COVID-19

55
Photo Courtesy: @ilovekaye | Instagram

Cleared na sa COVID-19 ang komedyanteng si Kakai Bautista.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Kakai ng video na may caption na graduate na siya sa COVID University matapos ang 14 araw.

Say ni Kakai, nagpositibo ito sa virus kahit na asymptomatic at ipinagpasalamat na lamang niya na nagnegatibo na siya nang muling sumailalim sa testing.

Hindi rin biro ang nasabing virus dahil magiging kalaban mo ang takot at pagkabahala.

Pinayuhan naman niya ang kaniyang social media followers na ipagdasal ang mga tao na dinapuan ng COVID.

Facebook Comments