Dep Ed hinimok ang bawat isa na makibahagi sa brigada eskwela bukas

Hinihikayat ng Department of Education ang bawat isa na makibahagi sa isasagawang Brigada Eskwela sa buong bansa bukas.

Kung maalala taon taon sa Brigada Eskwela nagtutulong tulong ang ibat ibang sangay ng  gobyerno  militar ,pulis, guro, magaaral, magulang at kahit ordinaryong Pilipino para maisaayos ang mga paaralan.

Ayon sa Dep Ed. mas kailangan  ngayon ang tulong ng bawat isa dahil na rin sa nagdaang malakas na lindol.


Malaki  ang maitutulong ng nga Volunteer Engineer para masuri ang mga biktak o pinsala sa paaralan  upang matukoy kung ito ba ay ligtas pa para sa mga magaaral.

Bukas may 16  kickoff  na ng Brigada Eskwela kung saan magpupunta si Education Sec Leonor Briones sa Alfonso Cavite kasama ang iba pang matataas na opisyal ng Dep Ed.

Facebook Comments