Magsasaka na Wanted sa Batas, Huli sa San Guillermo, Isabela!

161

*San Guillermo, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka na may kasong paglabag sa RA 9262 matapos isilbi ang warrant of arrest nito bandang 10:00 kaninang umaga sa Brgy. Colorado, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si David Javellana, 43 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Colorado, San Guillermo, Isabela.


Ang pagkakahuli ni Javellana ay sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni judge Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela.

Nasa kustodiya na ng PNP San Guillermo si Javellana at pansamantala itong makakalaya kung makakapag piyansa ng halagang P2,000.00.

Facebook Comments