Namahagi ng aabot sa 1.9 milyong pisong halaga ng vegetable seedlings at fertilizer ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa bansa na naapektuhan ang kita dahil sa COVID-19.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer 1 Jocelyn Ramones, sa ilalim ito ng programang “The Passover: Arbold Move for the Deliverance of our Farmers from the COVID-19 Pandemic” na tumutulong sa aabot sa 881 na mga magsasaka sa Nueva Ecija.
Maliban sa vegetable seedlings at fertilizer, makakatanggap din ng seedling trays ang mga magsasaka para sa kanilang mga pananim.
Facebook Comments