Aminado ang Dept. of Agriculture (DA) na kulang ang kanilang pondo para tulungan ang mga hog raiser na naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang tanging magagawa lang ng ahensya ay magbigay ng loan sa mga magbababoy.
Hindi nila maibibigay ang reimbursement sa mga baboy na namatay sa sakit.
Sa ngayon, nagbibigay ang DA ng 3,000 pesos sa kada apektadong hog raiser, pero ang actual average market value ay posibleng aabot sa 10,000 pesos.
Hinihimok ng DA ang mga lokal na pamahalaan na magbigay din ng ayuda.
Umapela rin ang d-a sa mga lalawigan ng Bohol at Cebu na alisin ang movement ban ng pork at processed meat products.
Facebook Comments