Alas-6:00 palang ng umaga ay nasa palengke na ang mga kinatawan ng Agriculture-Bantay Presyo para matiyak na sumusunod price ceiling ang mga nagtitinda sa Maypajo Public Market sa Caloocan City.
Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA)-Bantay Presyo Coordinator, Jerry Pelayo ang surprise inspection kung saan inikot ang pwesto ng karne ng baboy, manok, isda at gulay.
Kanina, nakasunod naman ang mga nagtitinda sa itinakdang price ceiling tulad sa karne ng baboy na P270 hanggang P300.
Magandang balita dahil inanunsyo ni Caloocan City Mayor Oca malapitan na libre hanggang buwan ng Hulyo, walang babayaran sa pwesto sa palengke bilang tugon upang mapababa ang presyo ng bilihin.
Samantala bilang National Coordinator ng Local Government Unit (LGU), tiniyak ni Jerry Pelayo na aaraw-arawin nila ang pag-iikot sa mga palengke upang makatugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinapatupad na price ceiling.