Department of Agriculture, bibili ng 1.69 milyong metric tons ng bigas ngayong 2021

Aabot sa 1.69 milyong metric tons ng bigas ang nakatakdang bilhin ng gobyerno ngayong 2021 upang mapunan ang kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa.

Pero ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Ariel Cayanan, posibleng mabago pa ang dami ng bigas na bibilhin na nakadepende sa deregulasyon ng kalakalan ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL).

Sa ngayon, aabot sa 20.4 milyong metric tons ng bigas ang target gawin ng kagawaran na sasapat sa mga Pilipino sa buong taon ng 2021.


Facebook Comments