Russia, nakapagtala ng unang kaso ng bagong COVID-19 variant sa kanilang bansa

56
Photo Courtesy: csis.org

Kinumpirma ng gobyerno ng Russia ang unang kaso ng bagong COVID-19 variant sa kanilang bansa.

Ayon kay Anna Popova, head ng consumer health watchdog ng bansa, ito ay isang Russian citizen na nagmula sa Britain na dumating sa bansa.


Hindi naman nagbigay ng ilan pang impormasyon si Popova sa naturang kaso.

Matatandaang una na ring nagkansela ng biyahe mula sa Britain ang Russia matapos madiskubre ang panibagong mas nakakahawang variant ng COVID-19 sa naturang bansa.

Facebook Comments