Department of Agriculture, gagamit na rin ng renewable energy para sa pagpapalago ng food production sa ilalim ng Urban Agriculture Program

Gagamit na ng Renewable Energy ang Department of Agriculture (DA) para mapanatili at mapalago pa ang food production sa ilalim ng Urban Agriculture Program ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ise-set up ang mga panels sa Bureau of Plant Industry Urban Gardens sa Malate, Manila para makabuo ng elektrisidad sa Aquaponics at Hydroponics set-up.

Nasa labing-siyam na units ng 30-watt solar panels ang gagamitin sa water system, para sa vegetable production na ipinagkaloob ng Weather Philippines Foundation Inc.


Facebook Comments