Department of Agriculture, hinikayat ang palasyo na bumuo ng task force laban sa rice hoarders

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Agriculture si Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng task group na mag-iinspeksyon sa lahat ng bodega ng mga negosyante ng bigas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, layon nitong makita ang stock ng bigas ng mga negosyante at mapigilan ang rice hoarding para palabasing kapos ang suplay ng bigas sa bansa.

Maliban sa artipisyal na shortage ay magiging tugon rin aniya ito ng pamahalaan sa hindi matigil na smuggling ng bigas sa bansa.


Kasabay nito ay muli ring nilinaw ni Piñol na hindi tutol si Pangulong Duterte sa pag-angkat ng bigas.

Ang gusto lamang aniya nila ay huwag itaon ang pag-import ng bigas sa panahon ng anihan para hindi masapawan ang kita ng mga lokal na magsasaka.
Sa kanyang memorandum kay Pangulong Duterte, hiniling ni Piñol na isama sa task group ang Department of Trade and Industry, Bureau of Internal Revenue, Philippine Statistics Authority , National Bureau of Investigation, Bureau of Customs at Philippine National Police.
Nation

Facebook Comments