Tiwala ng mga foreign investors, nakikitang dahilan ng malakanyang sa pag-angat ng piso sa Asya

32

Manila, Philippines – Tiwala ng mga namumuhunan sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakikitang dahilan ng malakanyang sa pag-angat ng peso currency sa Asya.

Ito ang reaksyon ng palasyo sa ulat na itinanghal ang Philippine Peso bilang Asia’s Best Performing Emerging Market Currency.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maliban sa investor’s confidence ay may malaki ring ambag ang kasalukuyang lagay ng peace and order sa bansa sa patuloy na paglakas ng piso.

Sa ilalim aniya ng Duterte administration, umiiral ang paniniwala na para maka-usad ang ekonomiya ng isang bansa, ay mahalaga ang pagkakaroon ng mapayapang komunidad.
Nation

Facebook Comments