Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa publiko na huwag mag-aksaya ng bigas o kanin.
Ayon kay Agriculture Asec. Ariel Cayanan, nasa 95-porsyento ang rice sufficiency ng Pilipinas na nangangahulugang kailangan pa ring mag-angkat mula sa ibang bansa para mapakain ang lahat ng mga Pilipino.
Sa datos ng Philrice, nasa 114 kilo ng bigas ang kinokonsumo ng bawat pilipino kada taon.
Kaya paalala ni Dr. Flordeliza Borday ng Philrice, maging responsable sa pagkonsumo ng kanin at kumuha lang ng kayang ubusin.
Dahil dito, inilunsad ng philrice sa social media ang programang ‘RICEPONSIBLE’ challenge.
Facebook Comments