Lalake patay sa pamamaril kagabi

Dead on arrival sa pagamutan ang isang Norodin Competa nasa tamang edad at residente ng barangay Bagua 1 matapos itong mabiktima ng pamamaril kagabi 8:20 sa notre dame avenue barangay RH-2 cot.city.
Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, sakay umano ang biktima ng Kymco single mototcycle na kulay itim na may plakang BA-65086 at habang binabaybay ang nasabing lugar ng dikitan ng riding in tandem criminals at walang kaabog-abog na pinagbabaril ng pitong beses.
Nagtamo ng multiple gound shot wound ang biktima na isinugod pasa hospital ngunit ideneklarang dead on arrival ng mga doctor…Sa ngayon blanco pa ang kapulisan sa motibo ng krimen habang nagpapatuloy ang inbestigasyon.

Facebook Comments