Diwa ng ASEAN, dapat isabuhay ayon kay Malaysian Prime Minister Najib Razak

Manila, Philippines – Hinikayat ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang mga mamamayan ng Southeast Asian Nations na isabuhay ang diwa ng ASEAN gaya ng ginagawa ng mga Europeans sa European Union.

Ginawa ni Razak ang pahayag sa kanyang keynote message sa ASEAN leadership forum sa Manila Hotel.

Aniya, ang ASEAN spirit ay dapat maging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng ASEAN citizens.


Dagdag pa ni pm Razak, dapat tingnan ang ASEAN bilang pinanggagalingan ng pagkakaisa, suporta, pagkakaibigan, lakas at mas maunlad na ekonomiya.

Sa pamamagitan nito aniya, tiyak na makakamit ang mga pinangarap ng mga nagtatag ng ASEAN limang dekada na ang nakakaraan.

Facebook Comments