Department of Agriculture, walang balak magsampa ng kaso sa manukan na pinagsimulan ng bird flu

Manila, Philippines – Wala nang balak si Agriculture Secretary Manny Piñol na sampahan ng kaukulang kaso ang poultry grower na nabigong iulat ang pagkakasakit ng kaniyang mga manok.

Ayon kay Piñol, lugmok na ang mga poultry growers sa epekto ng bird flu scare kung kayat ayaw na niyang dumagdag sa kanilang kinakaharap na krisis pangkabuhayan.

Ituturing na lamang nilang aral sa mga poultry grower sa bansa ang nanagyaring bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.


Ayon kay Piñol, April pa lamang ng taon ay may mga indikasyon na ng flu sa mga ibon sa Pampanga pero hindi ito umabot sa tanggapan ng DA.

Anya, hinintay pa ng ilang farm owners na lumala ang sitwasyon bago ito tinugunan.

Facebook Comments