Manila, Philippines – Naniniwala si Budget Secretary Benjamin Diokno na mas bibilis pa ang government spending sa infrastructure projects ng pamahalaan ngayong 2017.
Ito ang sinabi ni Diokno sa harap na rin ng impormasyon na wala pang 30% ng pondo na nagkakahalaga ng 847.2 billion pesos na nakalaan sa infrastructure project ang nagagamit ng gobyerno.
Paliwanag ni Diokno, sa umpisa ay talagang mabagal ang paggastos pero pagdating aniya ng kalahati ng taon ay talagang umaarangkada ang government spending.
Base aniya sa kanyang pagtala ay possible pang umabot sa 90% ang government spending sa infrastructure bago matapos ang taon.
Matatandaan na ibinibida ng pamahalaan ang malalaking infrastructure projects na sinimulan ng Administrasyon na nakapaloob sa Dutertenomics na may temang build build build.