Naniniwala ang Palasyo ng Malacañan na nagsasagawa na ng pagaaral ang Department of National Defense at ang office of the National Security Adviser sa issue ng pag-ban ng US sa Huawei at ang pagban ng Google android sa pag-access nito sa kanila dahil sa issue ng seguridad.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa oras na matapos ang pagaaral ay isusumite nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang magawan ng nararapat na aksyon depende sa magiging rekomendasyon ng DND at ng NSA.
Tumanggi narin namang magbigay ng anomang pahayag o babala ang Malacañan sa publiko sa nasabing issue, paliwanag ni Panelo, hindi naman niya alam ang buong detalye nito kaya wala siya sa posisyon na magbigay ng anomang rekomendasyon sa mamamayan.