Department Of Disaster Resilience (DDR), ipinapapasa na sa Senado

 

Hiniling ni Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez sa Senado na ipasa na ngayong pagbabalik sesyon ang Department of Disaster Resilience (DDR).

 

Aniya, sa nararanasang sunod-sunod na mga lindol ay mahalaga ang pag abruba ng panukala bago matapos ang sesyon ng Kongreso.

 

Ang nasabing panukala ay makakatulong upang mabawasan kung hindi man maalis ang mga delay sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.


 

Hinimok naman ni House Assistant Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang mga senador na ipasa na rin ang iba pang mga mahahalagang panukala na nakabinbin sa Senado.

 

Kung maipapasa na kaagad ng Senado ang mga nasabing panukalang batas ay agad itong maipapadala sa Mataas na Kapulungan upang malagdaan at maging ganap na batas.

Facebook Comments