Manila, Philippines – Handang handa na ang Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 5.
Sa pagtaya ng DepEd, aabot sa halos 27 milyong mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang inaasahang magbabalik eskwela.
Kabilang na rito ang 2.8 milyong mag-aaral mula sa Senior High School (SHS), 7.6 milyon mula sa Junior High School (JHS), 14.4 milyon mula sa elementary at dalawang milyon mula sa kinder.
Aminado naman si Education Secretary Leonor Briones na may mga kakulangan sa mga classroom at guro pero kumpiyansang aniya silang matutugunan ang lahat ng ito.
Muli ring sinabi ni Briones na ipinagpaliban ng dalawang linggo ang class opening sa Marawi City at walong distrito ng Lanao del Sur bunsod gn kaguluhan doon.
Dahil dito, inaasahan na aniya nila ang pagdami ng mga tranferees sa ibang paaralan sa midnanao.
Nilinaw naman ng DepEd na hindi na kailangan pa ng mga transferees na lumikas mula sa Marawi City na magpakita ng mga dokumento para
Samantala, magpapakalat naman ng mahigit dalawang libong MMDA traffic constable ang ipapakalat sa Lunes para mag-mando ng trapiko habang magpapakalat rin ang PNP ng mga intelligence operatives na magbabantay sa mga paaralan.
DZXL558