Department of Education, nilinaw na wala silang inaanunsyong kanselasyon ng klase sa November 23, 24 at 27

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na wala silang inaanunsyo na kanselasyon ng klase sa November 23, 24 at 27.

Ang pahayag ng DepEd ay kasunod na rin ng kumalat na fake news sa social media na nagsasabing walang pasok sa mga nabanggit na petsa.

Kasabay nito ay hinimok ng DepEd ang publiko na maging vigilante sa mga nagpapakalat ng fake news.


Pinayuhan din ng kagawaran ang publiko na beripikahin muna sa kanilang official website na www.deped.gov.ph, official Facebook page DepEd Philippines at official twitter account deped_ph… ang anumang mababasang balita tungkol sa anumang suspensyon ng klase.

Facebook Comments