MANILA – Ngayong mura ang presyo ng produktong petrolyo, Inatasan na ng Department of Energy ang Philippine National Oil Corporation na pag-aralan ang ideya ng stock filing.Ayon kay DOE Office-In-Charge Zenaida Monsada, dahil sa pagbagsak ng presyo ng krudo at over supply, ilang bansa na tulad ng Japan ang nag-oil stock file.Pero paglilinaw ng DOE, reserba lamang ang pangunahing layunin ng stock filling.Kasabay nito, kinumpirma ni Monsada na magpapatuloy ang mababang presyo ng produktong petrolyo at bahagyang tumaas lamang noong nakaraang linggo. (DZXL 774 // Michelle Bemejo-Abila – Senior News Writer)
Facebook Comments