Department of Energy, magpapadala ng generator sets sa mga lugar sa Visayas na nilindol

Visayas – Magpapadala ang Department of Energy ng generator sets sa mga lugar sa Visayas na naapektuhan ng lindol kahapon.

Ito ay habang hindi pa tuluyang naibabalik sa normal ang supply ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng lindol.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, kabilang sa padadalhan nila ng generator sets ang itinuturing na vital areas tulad ng mga ospital at water facilities.


Inatasan na rin ng Energy Department ang managers ng energy facilities kabilang na ang power distribution utilities na magsumite sa kanila ng regular updates para sa kaukulang koordinasyon.

Facebook Comments