Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang mabilis na pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Luzon.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella , tinitiyak din nila ang kaligtasan sa pag-restore ng elektrisidad sa naturang mga lugar.
Sa press conference sa Energy Department, sinabi ni Fuentebella na pinag-aaralan din ng DOE kung itataas sa red alert ang power status sa Luzon.
Gayunman, mananatili aniya ang yellow alert hanggang sa Miyerkules Santo.
Ayon kay Fuentebella, ang Luzon grid naman ay red alert pa rin pero walang magiging brownout.
Inihayag naman ng NAPOCOR na may nakita silang na leak sa isa sa mga power facilities kasunod ng mga lindol sa Batangas.
Gayunman, maliit lamang daw ito.
Tiniyak naman ng National Electrification Administration na Patuloy ang pagsusuri nila sa mga poste ng kuryente at gusali sa Batangas.
Kinumpirma naman ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na 1.2-milyong customers nila ang naapektuhan ng lindol at ito ay katumbas ng pagbagsak ng load na halos 900 Megawatts.
Inihayag naman ni Fuentebella na 2,584 megawatts power supply capacity ang nawala dahil sa lindol at ngayon aniya ay patuloy ang aftershocks sa Tingloy, Batangas.
Nation”, Joyce Adra