Luzon Grid – isinailalim sa yellow alert, reserba ng kuryente – numipis

22

Manila, Philippines – Nakataas ngayon ang yellow alertstatus sa Luzon Grid.
  Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines –ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
  Batay sa isang advisory sa kanilang Facebook page, sinabing NGCP na simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 mamayang hapon nakataas angyellow alert sa Luzon Grid.
  Ayon pa sa abiso, aabot sa 9,515 megawatts ang availablecapacity ng Luzon Grid, habang 8,926 MW ang peak demand.
 
 
   

Facebook Comments