Manila, Philippines – Binira ng Department of Finance ang akusasyon ng laban konsyumer na may overcharging sa Value Added Tax sa petrolyo.
Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino – mali ang computation ng laban konsyumer.
Pero nanindigan ang grupo na nadoble ang VAT sa petrolyo.
Maliban kasi sa VAT na nakapataw sa excise tax na p0.24 may vat pa ulit sa overall na resibo ng mga motorista.
Ibig sabihin, sobra ng P0.03 kada litro ang VAT noong 2018 habang P0.02 naman ngayong 2019.
Kaugnay nito, hinamon ni Atty. Vic Dimagiba ang Finance Department na ipakita ang kanilang computation.
Sa ngayon, mula sa 8,600 na mga gasolinahan sa buong bansa, mahigit 1,000 na ang nagpatupad ng dagdag na fuel excise tax.
Facebook Comments