Manila, Philippines – Duda ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gagamitin ng China na military facility ang mga patapos nang istruktura sa West Philippine Sea.
Base sa inilabas na report ng Washington-based Think Tank Group na Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), posibleng naka-disensyo talaga para maging military facility ang mga istruktura sa Kagitingan, Panganiban at Zamora reef.
Gayunpaman, ayon kay DFA acting Secretary Enrique Manalo – hindi minamaliit ng gobyerno ang nasabing ulat ng AMTI.
Katunayan aniya, isa ito sa mga usaping lilinawin ng Pilipinas sa China sa nakatakdang bilateral meeting nito sa Mayo.
Nilinaw din ni Manalo na hindi kasama sa mapag-uusapan ang hinggil sa UN arbitral ruling.
Samantala, ayon sa international law expert na si former Dean Merlin Magallona – dapat paghandaan ng Pilipinas ang mga isasagot nito sa ikakatwiran ng China oras na sitahin na ito sa isyu ng artificial islands.