Manila, Philippines – Mahigpit na paliwanagan ang nangyari sa pulong ng Philippine Charge D’ Affaires sa Brussels sa isa sa mga opisyal ng European Union (EU) kaugnay sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson ASec. Charles Jose – naging mahaba ang pagpupulong ng kinatawan ng Pilipinas na si Allan Deniega at European External Action Service Deputy Secretary General John Kristoph Belliard.
Nabanggit ni Jose ang mga isyung gustong ipunto ng Pilipinas sa EU ay ang itinatakbo ng giyera kontra droga ng pamahalaan at mga hakbang para ibalik ang death penalty.
Naipaliwanag naman aniya ng kinatawan ng Pilipinas sa EU official kung saan ibinabase ang mga direksyon ng polisiya ng administrasyon.
Nangako na rin ang Pilipinas sa EU ng patuloy na pakikipagdayalogo para agad malinawagan sa mga isyu sa bansa.
Nakapaloob ang mga detalye sa ulat na hawak na ngayon ng DFA na siya namang magpapaabot nito sa Pangulong Duterte.
Facebook Comments