Pangulong Duterte, posibleng bigyan ng absolute pardon ang mga pulis at sundalong kakasuhan ng paglabag sa karapatang pantao

36
Manila, Philippines – Nagbitaw ng pangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng pulis at sundalong inaakusahan ng human rights violation sa kanyang war on drugs.
 
Sabi ng pangulo, kahit ma-convict ang mga ito sa kaso ay posibleng bigyan niya ang mga ito ng absolute pardon.
 
 
Wala rin aniya itong ipinagkaiba sa plano niyang bigyan ng amnesty ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) kapag nagkasundo sila at maisara ang peace agreement.
 
 
Muli namang napikon ang pangulo sa European Union (EU) dahil sa pamumuna at pangingialam sa kanyang giyera kontra droga.


 
 

Facebook Comments