Manila, Philippines – Kinukwestyon ngayon ng Department of Foreign Affairs ang motibo at sinseridad ng pagbisita ni United Nations rapporteur Agnes Callamard sa Pilipinas.
Ayon kay DFA spokesperson Robespierre Bolivar – duda sila sa motibo ng pagbisita ni Callamard lalo na’t nataon ito sa Universal Periodic Review (UPR) ng bansa ng mga UN human Rights officials sa Geneva, Switzerland
Aniya, hiniling pa ng Philippine team na pinangungunahan nina Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra at Senator Alan Peter Cayetano na magkaroon sila ng meeting kay Callamard sa sidelines ng UPR.
Pero wala na raw tyansa na makikipagkita ang delegasyon ng bansa kay Callamard doon dahil nandito na nga sa bansa ang UN rapporteur.
Maalalang si Callamard ay una nang inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa noong 2016 para mag-imbestiga sa umano’y mga insidente ng extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang administrasyon pero sa kondisyong makikipagdebate ang UN rapporteur sa Pangulo sa harap ng publiko.
Pero tinanggihan ito ng UN rapporteur kayat naniniwala si Bolivar na ang pinakamaganda sanang venue para pag-usapan ang naturang isyu.
DZXL558