Hinimok ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga Pilipino na nasa Libya na boluntaryo na itong umuwi ng bansa sa kabila ng pagbuti ng sitwasyon at seguridad sa bansang North Africa.
Ginawa ng kagawaran ang panawagan upang masiguro na walang Pilipino ang posibleng madamay sa kaguluhan sa naturang estado na maaaring sumiklab muli anumang oras.
Kung maaalala, taong 2019 ng magsimula ang kaguluhan sa libya dahilan upang itinaas ang ilang crisis alert level sa ilang lugar sa nasabing estado habang itinaas naman ang alert level 4 sa Tripoli at mga lugar na nasa ilalim ng 100-kilometer radius at alert level 2 naman sa labas ng nabanggit na distansya.
Sa kasalukuyan, aabot sa 2,300 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang nasa Libya batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).