Department of Health, nagpaalala sa publiko kaugnay sa mga putaheng kakainin sa Pasko at Bagong Taon

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga ihahandang putahe sa kapaskuhan maging sa Bagong Taon.

Hilig kasi ng mga pinoy na kumain ng masasarap kabilang na ang litson at iba pang mga Christmas at New Year’s food na nagiging dahilan ng pagkakasakit ng bawat isa.

Ayon kay DOH Undersecretary Spokesperson Eric Domingo, hindi maiiwasan ng mga pilipino ang kumain ng matataba o mamantikang pagkain, kung saan, marami ang nagpapatingin ng blood sugar habang ang iba naman ay nagkakaroon ng high blood.


Aniya, dapat na sundin ang tamang sukat ng mga pagkain na dapat inilalagay sa pinggan para maiwasan ang pagkakasakit.

Dagdag pa ni Domingo, mas mainam na maging maganda at maayos ang pangangatawan dahil mas masaya ang selebrasyon ng kapaskuhan kung ang lahat ay magiging ligtas at malayo sa anumang sakit lalo na sa COVID-19.

Facebook Comments