Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatili sa “low risk” sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Taliwas ito sa naunang pahayag ng OCTA Research Group na maaari nang ikonsidera ang rehiyon bilang moderate risk sa COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi maaaring basta na lamang itaas ang alert level sa isang lugar dahil sa mga kaso ng COVID-19.
Paliwanag ni Duque, kinakailangang makitaan ng positive two-week growth rate sa COVID-19 ang isang lugar bago ideklarang moderate risk at dapat din na pumalo sa anim ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o yung nagpopositibo sa kada isandaang libong populasyon.
Facebook Comments