Department of Interior and Local Government Secretary Mike Sueño, kumpirmadong sinibak ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirmani Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte siInterior and Local Government Secretary Mike Sueño.

 

Ayon kay Aguirre, isinagawa ng pangulo ang pagsibak kay Sueño sanaganap na cabinet meeting kagabi.

 

Sa isang panayam kay Aguirre, matagal nang may ideya si PangulongDuterte sa mga isyung ng katiwalian na ikinakabit kay Sueño.


 

Nabatid nagkaroon ng hindi magandang pakikipag-ugnayan si Sueño atilang opisyal ng DILG.

 

Ang dating South Cotabato Governor ay inappoint ni Duterte noong2016.

 

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa CampEvangelista Hospital sa Cagayan De Oro City na may isa na naman siyang opisyalng gobyerno na nanganganib na masibak.

 

Sa ngayon, bakante pa ang posisyong iiwanan ni Sueño kung saanwala pang napipisil na kapalit nito.

 

 

Facebook Comments