Department of Justice, balak gawing testigo sa pork barrel scam si Janet Napoles

78

Manila, Philippines – Balak ng Dept. of Justice na gawingtestigo ang pork barrel queen na si Janet Napoles laban sa mga iba pangnasasangkot sa pork barrel scam.
 
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – matibay ang kasonila laban sa mga akusado sa oras na mabuksan na ang imbestigasyon nila ukoldito.
 
Ikinatuwa naman ni Atty. Stephen David, Legal Counsel ni Napoles– ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na absweltuhin si Napoles sa kasongserious illegal detention.
  
Pero dismayado naman ang kampo ni Luy sa naturang desisyon kungsaan pinag-aaralan na nito ang susunod nilang hakbang.
 
Kasabay nito, nilinaw ni Chief Presidential Legal CounselSalvador Panelo na walang ‘sweetheart deals’ sa pagitan ng administrasyon at niNapoles.
  Pero sa kabila ng desisyon ng C-A, hindi pa rin makakalaya si Napolesdahil sa patong-patong na non bailable offense na plunder at malversation sa Sandiganbayan.

Facebook Comments