Senado, balak paimbestigahan kung nagagamit ng tama ang intelligence funds ng PNP

54

Manila, Philippines – Balak nang paimbestigahan sa Senado kungsaan ginagamit ang napakalaking intelligence funds ng mga otoridad.
 
Ito’y matapos aminin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na pumalpakang kanilang intelligence sa nangyaring dalawang pagsabog sa Quiapo, Maynila nitongSabado.
  
Dahil dito, kinuwestyon ni Senador Panfilo Lacson ang pondonginilalaan para sa intelligence ng PNP at kung nagagamit ba ito ng wasto.
  Una nang sinabi Manila Police District (MPD) Director, Sr/Supt. JoelCoronel – walang kinalaman ang kambal na pagsabog sa naunang pagsabog sa Quiaponitong April 28 at walang kaugnayan sa terorismo.

Facebook Comments