MANILA – Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na tumulong sa mga otoridad kung may impormasyon kaugnay sa mga hackers na nambibiktima ng mga website ng gobyerno.Ito ay kasunod ng imbestigasyong ginagawa sa pag-hack ng website ng Comelec.Ayon kay Justice Acting Sec. Emmanuel Caparas, mas mabilis maresolba ang kaso kung ang lahat ng mamamayan ay makikipagtulungan sa mga otoridad.Para kay Caparas, posible pang mahabol ang responsable sa hacking kahit nasa Russia na ang registrant dahil hindi naman limitado ang cybercrime pati ang epekto nito.Una rito, nakipag-ugnayan na ang DOJ sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno pati sa Estados Unidos para sa kanilang imbestigasyon sa pag-deface ng mga hackers sa website ng Comelec.Nabatid na dalawang beses nang napasok ng mga hackers ang website ng Comelec habang ang ibang website ng gobyerno ay nabiktima na rin ng mga local hackers.
Department Of Justice (Doj), Nanawagan Sa Publiko Na Magbigay Ng Impormasyon Kaugnay Sa Mga Hackers Na Nambibiktima Ng M
Facebook Comments