Department of Labor and Employment – nagpadala na ng rapid response team sa Qatar, sitwasyon ng mga pinoy sa nasabing bansa – aalamin

Manila, Philippines – Nagpadala na ng Rapid Response Team (RRT) ang Department of Labor and Employment sa Qatar para personal na tingnan ang sitwasyon ng mga kababayan natin doon.

Kasunod ito ng pagputol ng ilang bansa ng kanilang diplomatic ties sa Qatar.

Ayon kay POEA OIC Atty. Aristodes Ruaro – ito ay bilang paghahanda sa posibleng repatriation ng mga manggagawang pinoy.


Patuloy din silang humihingi ng updates sa POLO o Philippine Overseas Labor Office kaugnay sa kalagayan ng mga pinoy sa iba pang bahagi ng Middle East.

Samantala, ipinag-utos din ng POEA sa mga recruitment agency magsumite ng status report ng bawat isang manggagawang dineploy nila sa Qatar.

Una nang binawi ng DOLE ang deployment ban sa Qatar kung saan ang pagpapadala ng mga bagong OFW ang sinuspende muna.

Sabi pa ni Ruaro – may naghihintay pang mahigit 100,000 job order o alok na trabaho ang Qatar para sa mga Pilipino pero dahil suspendido parin ang pagpapadala sa mga bagong OFWs nakahold ang overseas employment certificate para sa mga trabahong ito.

Ika-apat na bansa na may pinakamaraming OFW ang Qatar – kung saan mayroon itong 240,000 pinoy worker.

DZXL558

Facebook Comments