Manila, Philippines – Pinaalalahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na sundin ang tamang pasahod sa June 26, na dineklarang regular holiday dahil sa observance ng Eid’l Fitr.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, babayaran pa rin ng 100% sa arawang sahod ang isang empleyado kahit na hindi ito pumasok.
Subalit kapag pumasok ito ay mababayaran siya ng karagdagang 100% o magiging 200% na arawang sahod ang matatanggap nito.
Sakaling lumagpas ng walong oras o nag-overtime ang isang empleyado ay mababayaran ito ng karagdagang 30% ng kaniyang hourly rate.
Habang ang isang empleyado na naka-day-off sa araw na iyon ay mababayaran ng karagdagang 30% sa kaniyang arawang sahod bukod pa sa 200% na kaniyang matatangap at karagdagang 30% ng hourly rate kapag ito ay nag-overtime.