Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abdullah Derupong Mama-o bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers.
Pirmado ang appointment paper ni Sec. Mama-o noong Biyernes, March 4, 2022.
Ang bagong tatag na departamento ang siyang magpoprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sila man ay land-based o sea-based.
Tutugon din ito sa anumang pangangailangan ng OFWs, kung sila man ay documented o hindi.
Samantala, naniniwala naman ang Palasyo sa kakayahan ni Sec. Mama-o na sumabak sa labor at diplomatic negotiations para maipagpatuloy at maitaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga OFWs.
Facebook Comments