Mahigit 100 Pinoy, nananatili sa crisis zone sa Ukraine

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit isang daan pa ang mga Pilipino na nasa crisis zone sa Ukraine.

Ayon sa DFA, nahihirapan silang kumbinsihin ang mga Pinoy roon na umuwi dahil hindi nila maiwan ang kanilang mga trabaho.

Aminado rin ang DFA na mas nag-aalala sila sa Pinoy seafarers na nasa mga stranded na barko sa Black Sea.


Nasa 199 na mga Pinoy na ang nailikas ng gobyerno mula sa Ukraine.

Facebook Comments