Department of National Defense, naalarma sa ginawang hydrogen bomb testing ng North Korea

Manila, Philippines – Naalarma ang Department of National Defense sa hydrogen bomb testing na ginawa ng North Korea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, dahil sa ginagawa ng North Korea, lalong lumalala ang tensyon sa Korean peninsula at lalong maapektuhan ang peace at security sa buong Asya.

Sa kabila na walang direktang epekto sa Pilipinas ang hydrogen bomb testing, sinabi ni Lorenzana na naka-monitor pa rin ang DND.


Nakaalerto na rin ang Office of Civil Defense bilang pagtalima na rin sa Standard Operating Procedure.

Matatandaang nagsagawa kahapon ang North Korea ng ikaanim na nuclear test.

Facebook Comments